Dolphy is dead! :(
Our condolences to the family of Comedy KING DOLPHY or Dolphy—Rodolfo Vera Quizon in real life. He just passed away today July 10, 2012. Here's an excerpt from Pep.ph regarding the death of comedy king Dolphy Quizon. Let's all give our respects to him. May he rest in peace.
-----
Wala na ang Hari.Pumanaw na si Rodolfo Vera Quizon, Sr., o mas kilala sa screenname niyang Dolphy sa edad na 83.
Naunang kumalat ang mga balita ng pagpanaw ng beteranong komedyante sa pamamagitan ng Twitter nang magsimulang mag-post ng tweet ng pagpapahayag ng pakikiramay ang mga artistang tulad nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto at Jim Paredes.
Bagama't nagkaroon ng kalituhan sa pagkumpirma kung talagang pumanaw na nga si Dolphy, kinumpirma naman sa pamamagitan ng breaking news ng ABS-CBN bandang alas-9 ng gabi na sumakabilang-buhay na nga ito, ayon na rin sa long-time partner nitong si Zsa Zsa Padilla.
Matatandaang isinugod sa Makati Medical Center nung June 9 ang veteran actor dahil sa sakit nitong pneumonia. Kinabitan agad ito ng respirator dahil nahihirapan daw itong huminga.
Ikinabahala ng pamilya ni Dolphy ang sakit nitong Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), isang kundisyon na naglilimita ng paglalabas-masok ng hangin sa baga dahil sa paninikip nito.
Noong June 19, ibinalita ni Eric ang bahagyang pagbuti ng kalagayan ni Dolphy.
Anim na oras daw na tinanggalan ng respirator ang komedyante bago ito ikinabit muli kinagabihan. Sinusubukan daw kasi ng mga doktor ng Comedy King na palakasin ang paghinga nito.
Pero kalaunan, kinailangan na ngang salinan ng dugo si Dolphy dahil sa pagbaba ng hemoglobin count nito.
Bago pa isinugod sa ospital si Dolphy, balita na ang unti-unting paghina ng kalusugan nito. Sumailalim na rin noon ng kidney at heart bypass operation.
Nalampasan niya rin nang sampung beses na pag-atake ng pneumonia mula pa noong kaarawan niya nung nakaraang taon, ayon pa kay Eric.
Ipagdiriwang sana ni Dolphy ang kanyang ika-84 na kaarawan sa July 25.
---
ang lungkot!
ReplyDeletesana happy ka idol san ka man ngaun!
ReplyDeletei can't believe He is gone!
ReplyDeleteOUR CONDOLENCES TO QUIZON FAMILY
ReplyDeleteMy deepest condolences to the Quizon Family.We will miss You...
ReplyDeleteWALA NA ANG HARI NG KOMEDI
ReplyDeletecondolence to quizon family and zsazsa
ReplyDelete